Friday, 9 August 2013

One more time


  I can't believe I'm doing a blogpost about this thing this time. When I was young, I don't like dogs that much because I hate when they run after me. Just this recently, muntik na ako malapa ng aso. Dumaan lang ako kasi bibili ako sa labas ng sinamaan ako ng tingin so alam ko na hindi ako kilala kaya tatakbo na ako sa gate. Solid yung kabog. Kala ko mararabies na ako. Haha. But this morning, Mickey broke my heart. She has her disease tapos matanda na talaga siya. Siguro mga 10 year lagpas na siya. I won't go on details.

  


  Mickey is so fluffy! Naalala ko nung nakitulog si Karla noon, "Parang bulak!" haha natawa naman ako. Mataba kasi siya talaga kaya parang cotton candy na white na naglalakad. 


  I feel sad for Tonya. :( She's now all alone. </3 They're not sisters pero nagtutulungan talaga sila promise. Tapos sobrang laging gutom si Mickey lagi kaya nataba. Hayy.


































  See Mickey's dress? Ang bad ko kasi favorite ko talaga si Tonya kasi para siya talaga yung baby kasi. Tapos I wanted Tonya to wear the pink dress. Eh whenever I put it to Tonya, hinahabol ako ni Mickey na parang kinakagat. Ginawa ko ng itago si Tonya tapos itatakbo ko yung damit ay nahabol! Grabe. Inis na inis ako sa kanya. Tapos sabi ng Mommy ko, "Kay mickey ata yan kasi. Akin na isusuot ko" tapos pumwesto talaga siya tapos tuwang tuwa na. Hayst. :( 

  Iyak ako ng iyak kanina. As in luha flow all the way. Ang sakit pala mawalan ng aso. I remembered Karla Aguas' blogpost about her shitzu na nadeds na din. Sobrang grief yung every word na ginamit niya. Yun pala talaga yung feeling. Tapos naalala ko yung story sa wattpad na 548 Heartbeats na idinahilan nung guy sa girl ay yung pagkamatay ni Brownie pero it's just a lie. Akala nung iba lagi ako naiyak sa stories sa wattpad pero sa tunay na buhay, She's Dating the Gangster pa lang naman naiiyakan ko ever since. Hanga din ako sa nanay ko, niliguan niya pa talaga si Mickey kahapon kahit sobrang alam nyo na hindi ko na ikwekwento at baka... yay. If wala pa kayo naalagaan na aso kahit minsan, masakit pala promise kapag umaabot na mamamatay din sila. Baka kasi nacocornihan kayo, pero pag kayo na nasa situation, wala na. Iiyak din kayo sa huli. Ang sakit din kasi na nung habang nag aaral ka sa terrace biglang may maririnig kang ungol, tapos nagulat ka na nandun siya. Tapos alam mo na sa sarili mo na, malapit na talaga. Tapos naabutan mo na lang na yung mata niya... iba na. Masakit yung hindi na siya nagalaw. Masakit.</3

  Mickey my loves, you will be forever missed. I'll miss your fluffiness. Your wagging tail. Everytime you bark because you want food already. I'll miss seeing you and Tonya welcome us every night we'll arrive late. I'll miss you. I love you. I know you're now an Angel in heaven with God. You're not just a dog, you're my sibling too. You're still lucky because you existed for more than decades. I'm happy you won't suffer anymore. I hope to see you in Heaven in God's time. :)

Love,
Patricia <3

No comments:

Post a Comment